Maligayang Pagdating sa Toronto!

Bisitahin kami upang:

  • Kumuha ng isang LIBRENG kard ng aklatan (library card). Ang kailangan mo lang ay dalawang piraso ng pagkakakilanlan, ang isa ay mayroong pangalan mo at tirahan sa Toronto.
  • Gumamit ng isang kompyuter na may akses sa Internet, Microsoft Office (Word, Excel, PowerPoint) at maraming mga database.
  • Kumonekta sa libreng wifi sa lahat ng mga sangay ng aklatan.
  • Humiram ng mga aklat, mga pelikula, at higit pa alinman sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa isang sangay o sa online. Ang mga materyales sa aklatan ay makukuha sa iba't ibang mga wika.
  • Makipagkita ng one-on-one sa isang settlement worker na makakatulong sa iyo sa paghahanap ng trabaho, pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho at higit pa .
  • Humiram ng mga materyales para sa English as a Second Language (Ingles bilang Pangalawang Wika) para sa mga nasa hustong gulang at mga bata.
  • Dumalo sa mga programa nang personal o sa online sa iba't ibang mga paksa, kabilang ang pag-aaral ng Ingles, pagsisimula ng isang maliit na negosyo, mga oras ng kuwento para sa mga bata, at paghahanap ng trabaho.
  • Makipag-ugnayan sa kawani ng aklatan sa 100 mga sangay. Malugod naming tinatanggap ang iyong mga katanungan at umaasa kaming tulungan ka. Mayroon kaming akses sa mga tagapagsalin-wika para sa maraming mga wika. Para sa isang listahan ng lahat ng mga lokasyon ng aklatan, bisitahin ang tpl.ca/branches o tawagan ang Linya ng Pagsagot (Answerline) sa 416-397-5981 at itanong kung aling aklatan ang pinakamalapit sa iyo.

< Back to all languages

Print this page